RECKLESS POST: Wag mo nalang basahin!

Leave a comment

October 3, 2012 by AJ Briones

Mga black profile??? Asan na kayo? Tira! Ipaglaban ninyo yang anti-cybercrime law ninyo! Sabihin ninyo yan sa lahat ng mga tao na inaalipusta online! Sabihin ninyo yan sa lahat ng mga ibinubugaw online! Sabihin ninyo yan sa mga taong kinakawawa online na hindi naman senador! Mga taong ordinaryo! Sabihin ninyo yan sa mga batang umiiyak at di makatulog pag gabi dahil pinaglaruan larawan nila online! Sabihin ninyo yan sa mga taong nababalot ng kalungkutan o stress dahil sa mga ginawam sa kanila online! Sabihin ninyo yan sa mga napagod nang mabuhay dahil sa mga nakita nila online! Sabihin ninyo yan sa mga estudyanteng nawalan ng pag-asa dahil sa online! Freedom of speech? Opinyon? Kung opinyon yan! Walang masasaktan! Hindi na natin mapaghiwalay ang insulto sa opinyon! Magalit na kayo! Magwala kayo sa post ko. Tawagin ninyong makitid pag-uutak ko! Freedom of Speech diba??? Oo may mali tayong nakita sa batas! May magagawa ba pambabastos ninyo? Wala! Pinatunayan ninyo lang na kailangan natin ang batas na yun! Pagtripan ninyo ako online! Pakasaya kayo! Pagdating ng araw na magyari sa inyo yung mga bagay na yun, alam ninyo na bakit ginawa yung batas na yun! May mga parte sa batas kayo na di gusto?! Bakit ninyo dinaan sa pang-iinsulto? Ngayon ko lang nalaman na nababago ang batas sa pangungutya ng tao! Kaya nga may pro at oposisyon sa mga mambabatas eh. Para sila gumawa ng paraan para ayusin at balansihen ang batas. Kung gusto ninyo mabago yun sa pamamaraan na gusto ninyo, tumakbo kayo sa eleksyon! Kinokonekta ninyo pa sa ibang issue! Oo, madaming problema Pilipinas na dapat unahin. Madami namamatay, walang pagkain, walang edukasyon pero lalo sila hindi matutulungan kung lahat tayo di makikipagtulungan. Bakit tayo? May nagawa ba tayo para baguhin mga bagay na yun? Gumising nga kayo! Kung magbabago ang batas dahil di tama, mababago siya. Trabaho nila ayusin yun!

NOTE: FREEDOM OF SPEECH! OPINYON KO ITO! TIRAHIN NINYO AKO AT LABANAN SARILI NINYONG PANINIWALA!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: